Sampunglibong Origaming Tinupi Mula Sa Isandaang Guni-Guni Na Pinunit Sa Hibla Ng Isang Hatinggabi *
Maalon ang bawat
panaganip kagabi.
umiikot ang mga sagwan
umiindak, lumulukso
sa bawat hampas
ng mga alon
sa dalampasigan
ng kawalan.
bawat yugto
ng mga kumakawalang
hininga
ay tumatampisaw,
pumapailanlang
tulad ng mga pariralang
hindi maibibigkas,
hindi mabibitiwan.
ang mga tala ang piping tinig
mga tuldok sa ulap na dumidilig
ng kalungkutan sa bawat hinagpis.
sana, sana, ito ang nalalabing awit
ang panghuling bilang
para sa isang gabi
na muling
daraan.
* hindi po ito tula; ito ay pinagtagpi-tagping tilamsik ng isang malikot na isip para kay Toni, bilang patunay na ako ay marunong managalog ;-)~ ~ ~
Three overdue entries will be posted when the cosmic rocks align well.
15 comments:
aba! para kay toni pala ito! chatmate ko po sya...! hehehe... nakiki-comment lamang po... para na ring tula ito... a free verse style! actually... i love it! :)
sa wakas! makakapag comment na ako! galing nagtagalog! pero malalim pa rin ang tagalog! Way to go!
salamat yatot! palindrome ba ng totay ang handle mo? :)
coldman - salamat kunyari lang malalim para di halata na balahura ang writer! hahaha
Kala ko mali yung link ko kanina!
Nakahanda na ang box of kleenex (kleenex talaga?) ko sa tabi ng PC eh..
What a change to post something like this :-)
hahahahaha malaking good luck sa pagpost ng overdue entries =] then again, may track record ka naman ng pagtupad sa pangako- kahit two years overdue yung regalo mong CD compilations =] yung august-september entries ko about my finnish sojourns ay nandun pa rin sa aking to-do list. unahan tayo magpost hahahahaha
*nag-aabang*
nadriamez - is it? kasalanan ito ni Toni, kasi akala niya hindi ako marunong managalog! lol
ian - oh, go away! hahaha. i forgot the the tracklisting of the first three cds i compiled! email me the list before i do the new one so there won't be repititions.
akala ko rin mali itong blog na naclick ko...hehhee... himala ah!!pero that still sound very much like you..tagalog lang..
mr.loudcloud, sadyang maganda ang katha mong ito at ako'y lubos na nagagalak sapagkat napatunayan mong karapat dapat kang maging sugo ng pandaigdig na kapayapaan.
kahit manawari paminsan minsan sa iyong pagninilay ay magkaroon uli ng puwang ang ganitong mga tilamsik na bunga ng iyong malalim na kaisipan.
ester - my next post will be in Swahili! haha.
toni - kinalulugdan ko'ng marinig na ito'ng alanganing akda ay inyong kinagiliwan. hayaan mo at sa mga susunod na mga lathala ko rito ay magkaroon paminsan minsan ng mga ganitong tilamsik subalit hindi ko lubos na masasabi na ito ay ehersisyong pangkagawian! salamat sa komento at harinawa na ikaw ay nasa mainam na kalagayan!
hahaha
I never thought you have this talent too. Way to go...
natutukso akong magmungkahi ng pagbabago sa balarila at pagbabanghay ng ilang salita sa akda mo, maingay-na-ulap. subali't nais ko ring masilayan ng iba na hindi ka kasing walang bahid ng pagkakamali gaya ng aming nadarama (na iyong pinadarama hahahaha)
*sabay talilis na patalikod at nakayukod nang hindi nakikipagtanaw-tama sa Sith Lord ng Blogspot*
ian - napakasalbahe mo! hahaha. hindi ko man ninanais na ikaw ay matalisod sa iyong pagtalilis ngunit pag nangyari ang isasalubong ko sa iyong pagkalugmok ay isang napakatamis at mapang uyam na ngisi! :P
talksamrt - salamat. di ko rin maintindihan ang gustong sabihin nitong akda. hahaha. kasalanan ni toni ito!
pinahanga mo ako loudcloud. sana sa susunod, para sa akin naman. :D
joy joy! you are back! ok, i'll rack my brains for another tagalog entry for you! ;-)
Post a Comment