Friday, December 14, 2007

Ikliin Mo Mukha Mo, Gagu. Ulol. *

(* Sa mga nagbilin ng mensahe salamat sa inyong makabagbag damdaming simpatiya. Wag ng kumulo ang inyong dugo dun sa nagpatutsada dito sa mga sulat ko. Mayroon tayong paraan: sa pamamagitan ng Biro. Biro Lang Po Itong Sanaysay. Ang magpaliwanag nito sa salitang banyaga maipit sana ng pison. Di po, biro lang talaga. Tsinatsanel ko lang po si chiksilog. :) )

Tarantada yata itong nagsulat tungkol sa mga sinusulat ko rito. Mantakin mo naman seryosohin ba ang lahat ng mga kabaliwan ko rito? Halleer? Mukhang nakahithit ng katol! Ikliin ko raw yung mga sulat para magmukhang nakakaaliw ang bawat kabanata na aking sinusulat? Napag isip isip ko tuloy? Ano kaya sinalpak nya sa wetpaks niya, nagbabagang tubo?

Tapos ito pa ang kumento: wala daw akong sinusulat na kalaswaan. Uminom yata ang nanay niya ng lagundi nung siya ay ika-siyam na buwan sa kabuntisan kaya nalusaw ang utak at ipinanganak na hunghang.

Hindi kumporme nilagay ko sa pamagat ko rito na ako ay silahis hindi ibig sabihin nun na puro kantutan na ang dapat narito sa pahinang ito. At ito lang ang dapat ko'ng isipin palagi at isulat para hindi siya madismaya sa kanyang paghahalukay rito.

Eto pa. Mayabang daw ako. Eh malala na yata ang katarata sa mata. Marmol yata ang mata, di lang ako syur. Sinabi na nga sa kanang bahagi nitong pahina na ang tagasulat nitong mga sanaysay ay talagang baliw at talagang likas na mayabang at malalim talaga ang duda sa sariling pagpapahalaga.

Nakakatawa lang isipin kung ilang araw kaya siyang di natulog para isulat ang mga nagbabagang talumpati patungkol sa dapat umiwas sa pagbasa sa mga kabaliwan ko rito.

Sabi ko, ipabarang ko kaya para humatsing ng asido o magpurga ng alambre. Pero bat ko naman papatulan, nagmamagaling ang lola mo. Bongga siya. Panalo! Parang yung Reyna Elena Undas Tsapter ang taray. Para siyempre mas kahanga-hanga siya. Pero ayos lang po yun. Pagbigyan na natin. Kasalanan ko rin naman sabmit kasi ng sabmit sa mga katarantaduhan ng mga bangag.

Di ba siya pinagsabihan ng lelong niyang bulol na ang pumapatol sa baliw ay mas baliw?

O baka kulang lang siya sa dilig kaya naghahanap ng malalaswang babasahin para naman may iniimadyin siya habang nagpipinger? Ah ewan. Yoko ng isipin. Tinitigasan ako eh.

Mahaba na to'ng sulat ko. Tatapusin ko na lang ng walang pakundangan para maging kasing ikli ng kanyang katalinuhan. Saka, pakireper na rin ng inyong suking mambabarang baka may kilala kayo.

Tingnan ko lang pag hindi siya umihi ng tambtaks.



pe es lang po.

tagalog dapat ang kumento niyo rito para hindi mahalata. utakan lang yan, kala niya :-)

9 comments:

Anonymous said...

mr.loudcloud ang puso mo..
pasensya ka na po eh ganyan talaga, sikat ka kasi.

loudcloud said...

di naman ako sikat eh ;-)

Misterhubs said...

Medyo apektado ka rin pala ah. :-)

Hay naku, inggit lang yung nagrebyu sa iyo kasi mas magaling kang gumamit ng wikang Ingles kesa sa kanya. Para sa akin, da-best ka pa rin.

loudcloud said...

di naman talaga ako natinag dun sa patutsada niya. naisipan ko lang paglaruan kaya sinulat ko to. pero salamat sa kumpyansa, misterhubs. siyanga pala di ako pinatulog nung patalastas ng emporio armani sa blag mo. dadaan ako ng shangrila ngayong sabado-linggo at pag nalingat yung nagbabantay nanakawin ko yung poster/standee ni becks. kleptohan at kalibugan na ito. bwahahaha

Anonymous said...

inaamin ko--
nakakatakot ka.
:)

pwede bang pasabugin mo
yung kokote
ng mga taong
umaaway sa akin?
kaso nakaya na
ng ganda ko.
keri lang.
tsaka isa pa
wala yata silang kokote.

sino umaaway sa iyo?
nahawa ka na yata sa akin
nagtatagalog ka na.
ako ba may kasalanan nito?
:)

naku mabuti na lang
at nalaman ko agad
na ipinamamalakaya mo
ang balita
sa pagiging nominado ko.
sa wakas
mapapasalamatan na kita
ngayon mismo.
:)

si beyonce at christina
pabagsak na
sana kabugin ko
ang kapangyarihan ni inday
akalain mo yun?

basta kung kelangan mo
ng resbak
marami akong kilalang
pwedeng magpatumba dun.
:)

loudcloud said...

xienah aka diyosa: yoko na kay inday kasi kahit nakakatuwa ang kanyang blag at mga ingles na pasakalye pag binabasa ko siya naiisip ko ang isang babaeng kumakain ng tasty bread pero palaman hindi star margarine kundi inaamag na thesaurus. hehe. hindi, biro lang yun. yung mga fans ni inday, wag bumula bibig ninyo. alam naman natin pareho na si chiksilog talaga ang dapat magwagi. ibagsak ang imperyalismo! ibagsak ang salitang banyaga! iboto ang natatanging diyosa ng ka-blog-stugan: si chiksilog!

Anonymous said...

hahahahaha ganti ng api!

para ko nang nakikita si eula valdez na nasa tambakan ng basura na naghihinagpis tapos magbabalik bilang amor powers sa pangako sa 'yo!

o- di ka maka-relate ano? palabas sa tv yun. sa tanzania sikat na sikat yung teleserye na yun.

eniwei.

mabuhay ka =]

loudcloud said...

some male bee - wala akong kamuwang muwang sa pinagsasabi mo. alam mo naman bbc/cnn nakapako istasyon ko. haha.

Joy-Joy said...

bakit nasa sidebar pa ang link nila?