Thursday, January 31, 2008

Tales With Missing Heading

Long overdue, I know, but I finally gotten around into tweaking an old abandoned stuff and will now honor the promise made to Joy-Joy that my next pinoy verse will be dedicated to her.

walang pamagat
(para kay Joy-Joy)

naaaninag kita kahapon
nagkukubli sa lagaslas ng araw
ang payak mo'ng katawan
nagiging palikuran
ng isandaang mga butil ng pawis
umigib ang mga diwata ng pagdadalamhati
sa mga bukal na umusbong
sa iyong pagal na mga bisig

katanghalian ngayon
ikaw ay muling mangungulimbat
sa malawak na gubat
ng pakikipagsapalaran
sasagwan sa mga dalampasigan
at muling bibilang
ng mga sandaling pipilasin
sa mga tangkay
ng bawat buntonghiningang aagos

muli mo'ng maninilayan
ang kahubdan at mga kapansanan
na umaawit sa bawat dagundong
ng iyong magigiting na mga yapak

sunog ang iyong mga balat
humihimlay sa mga anino
ng mga mahinahong alon
ng bugso-bugsong mga
kalungkutan

ang iyong kamalayan
ay masuyong pinupukaw
at idinuduyan ng mga pangarap
iwinawaksi mula sa mga kandungan
ng lumbay

maaring bukas
ang mga ito ay sasaliwaliin
ng mga unos, ng mga walang
humpay na pagkabigo

subalit ngayon
ito ay hindi mo alintana
ang iyong mga titig
nagtatampisaw sa mga ulap
tinatangay
ng mapaglarong
kawalan


24.04.2005/31.01.2008

22 comments:

Coldman said...

ang lalim naman ng tagalog!

anong meron?! =)

loudcloud said...

coldman! - ganun ba? yaan mo next time kasing babaw ng taghiyawat isusulat ko. heheh.

wala naman masyadong nangyayari. ikaw ano nangyayari sayo?

Anonymous said...

magugustuhan ni igno ito
:)

sana may mabasa kami
na love letter
na english
hahaha

mikel said...

bigla ko naisip ang sa tabi ng dagat ni ildefonso santos....

galeng. :) nawala ang pagod ko nung nabasa ko post mo...

loudcloud said...

xienah - nako baka magsenti bigla yun. heheh.

teka may quota ba dapat yung english spokening letters? lolz

loudcloud said...

amicus - salamat sa komento at sa compliments. pero kakatakot maikompara dun kay ginoong santos!

:)

Anonymous said...

wag na, gusto ko yung malalin ma tao. dyuk.

madami ang nangyayari sa kin ngayon. =)

loudcloud said...

coldman - kung madami nangyayari sayo bakit di namin nababasa sa blog mo? selfish mo naman :P

Anonymous said...

letters talaga ang bilang
di words?
hahaha

hindi.
:)

Anonymous said...

puros sex kasi e.

gp yung blog ko e.

hahaha!

loudcloud said...

i mean may quota sa number ng english love letter na dapat i post hehe

loudcloud said...

coldman - whoawow! dali, dito mo i post sa blog ko. guest blogger ka. ok dito lahat ng graphic details! bwahahha

Anonymous said...

Hahaha! masyadong mahalay ang kwento ko, baka may madala. lol

loudcloud said...

eh yun nga ang masarap yung mahalay! hahahah

Anonymous said...

mahalay.
gusto nating lahat yan
:)

yung bilang ng sulat
may quota?
bakit naman?
valid naman ang dahilan
kasi balingtaym.
:)

hanggat gusto mo magsulat
ng love letter
hanggat walang nagrereklamo
hahaha

loudcloud said...

xienah! - may point ka! hahaha. sige tingnan natin pag nakahinga sa work. hehe. whoawow, padamihan yata ng LL entries ang mangyayari. lol

Anonymous said...

galing talaga ng loudcloud...nabasa na ba to ni ate joy??

mr.loudcloud, kahit ano gawin at isulat dito eh alang mangingialam, unang una blog mo to noh?
lahat naman ng kablogroll mo eh kakampi mo.
pero mas hanga ako sa suportang binibigay mo sa mga kablogroll mo.
nakkita ba nila yang subliminal msgs sa sidebar?..preeesure.

loudcloud said...

toni! whoawow, salamat! musta ka na? ngayon ka lang ulit nakapagcomment dito i was worried you're not alright. hope all is well at your end.

busy yata si joy-joy, yaan mo dadaan yun dito pag may time na siya.

salamat sa compliments :) si dakilang tambay kinakampanya ng lahat ngayon. hehe. salamat sa pagboto sana boto ka pa ulet hehehe

Anonymous said...

Napahanga naman ako.. Hanggang sa tagalog eh dumugo ang ilong ko. wahaha.. At may side pa na kakaiba - may poll na magkalaban ang dakilang tambay! Go loud!!!

loudcloud said...

pareng igno! - syempre baka sabihin nila biased ako. dapat may dalawang options yung bobotohin nila.

option 1 : dakilang tambay
option 2 : dakilang tambay

ganun lang yun kasimple. hehe

Joy-Joy said...

muli, ako'y iyong pinahanga sa husay mong magsulat loudcloud. salamat sa tulang walang pamagat. ewan ko lang kasi naaalala ko ang salitang 'sunburn' habang binabasa ang obra mo hehe. joke lang po.

pwede kayang ito ay isang 'panaghoy sa tanghaling tapat'? muli, maraming salamat. pasensya na medyo natagalan bago ako makapunta dito. busy lang. exam ko sa sunday kasi.

ps. meron ka na bang ka-deyt sa balentayns? ;d

loudcloud said...

walang anuman joy-joy!

all the best of luck to you, may you pass it with soaring scores! we'll pray for that.

wala akong ka date kasi lalayas ako by then papuntang lah land. haha.

besides yung gusto ko walang gusto sakin. huhu.

LOLZ